Monday, November 1, 2010

Ang Pangarap Kong Fireworks

(Originally posted at my multiply site May 30, '09 1:19 AM)

May fireworks ng onti kanina sa SM North.. Bigla ko tuloy naalala ang isa sa mga pinapangarap ko na mangyari - ang makapanuod ng fireworks kasama ng taong gusto ko. :D

Para kasing nakakatuwa lang ung mga ilaw sa langit, iba't ibang kulay, iba't ibang binubuo. Parang simple lang na masaya (although mahal talaga ang fireworks sa totoo hahaha). Parang wala lang na masaya. Nakakamangha.

Pero hindi pa ata nangyayari to.. O kung nangyari man.. Hmmm.. May naisip ako na isang beses na pwede pala.. Kaso counted kaya un? Kasi dapat siguro mas malinaw ung pangarap ko - ang makapanuod ng fireworks kasama ng taong gusto ko at gusto din ako. Hahaha.

So para naman may point tong post ko na to at hindi lang paglalabas ng laman ng utak (as if puno ung utak ko although bukas kelangan ko siya na fully-functioning and uber-brilliant) o kaya e pagprapraktis sa pagsulat ng tagalog (na obvious naman na hindi successful).. Aalalahanin ko na lang ung mga events na may fireworks sa buhay ko...

Nagsimula ata ang lahat sa EK nung 2nd year ata yun kasama nina Nix, Chin, and Sar. Altho si Sar e kasama ung mga hs friends niya nun kahit na siya ung dahilan kung bakit kami nakapagEK ng libre. Hehehe. May fireworks display nung gabi na at naupo kami dun sa gitna ng mga tao. Dun ko ata nasabi sa sarili ko na parang masaya ung fireworks.


(Wala pala akong kopya nung EK pics na un kaya eto na lang isang lumang pic namin sa Bulacan field trip ata un.. Clockwise from right - Nix, Kats, Gel, Sar, Sui, Chin. Super classic ni Sui dito hehehe.)

After nun may fireworks kasi after every lantern parade sa UP. Kaso nagsimula lang ako manuod ng lantern nung actual lantern parade na kami ung batch na kasama. Masaya din un, ang maupo sa may amphitheater kasama ng mga kaibigang pagod sa pagbibitbit ng mga alitaptap.


(Nacorrupt ang lantern pics ko waaaa.. So eto ang isa sa mga sobrang onting natira - ang prototype ng lantern na hindi natuloy. Hahaha. Kanino kayang gawa ung mukhang halimaw na pacute sa ibabaw?? Hahaha.)


(Ang may gawa ng mukhang halimaw na pacute na lantern.. At sinu namang may balak pumarada sa acad oval na suot suot yan?? Hahaha.)


(Isa sa mga paboritong pictures ni G hahaha. Kayabangan. Amp. Peace G! Hahaha.)

Ang isa naman na may sobrang gandang fireworks display daw ay yung last year - Jan 8 ata un, Centennial celeb ng UP, birthday ni Vincent, pagcelebrate ng unang uwi ni Ariel, at isang okasyon kung san madami daming college friends ang nagsama sama considering work night un. Swerte ko lang kasi dun ako sa Arki nakabase nun hehehe. Si Diego nga andun din. Si Chin, si Ron din dumating. Si Mark nga nakahabol pa e. Un nga lang, HINDI NAMIN NAPANUOD UNG FIREWORKS!!! OMG. Lahat ng tao na nakapanuod sabi sobrang ganda daw as in. Kaso hindi namin napanuod kasi umalis kami sa UP sakto nung malapit na siyang magsimula. Kasi imbis na sa Chocolate Kiss na lang kami ilibre ni Ariel e napadpad kami sa Katipunan nun. Waaaaaaa. Masaya pa din naman ung gabi kasi nga sama sama lahat pero once in your lifetime lang mag 100 years ang UP. At once in your lifetime lang ung ganung fireworks display na malamang ginastusan nila. At hindi namin napanuod. So near yet so far. Buti man lang kung masarap ung kinainan namin e hindi din. Ang pinalitan niya e ung fireworks at ung Devil's Food Cake at Choco Chip Cheesecake at Pesto Chicken and Penne sa Choc Kiss. OMG. Asa pa daw ba na umabot kami sa fireworks sa pagbabalik. Medyo nagkabadtripan ata nun dahil dun e hahaha. Ambabaw at ang lalalim at the same time ng mga tao. Natatawa na lang ako at napapailing sa almost but never quite made it na moment na un ngaung inaalala ko siya.


(From Left - Ron, Chin, Mark, Diego, Vincent, Katsy, Ariel)

Hindi din naman ako nakakapanuod nung fireworks display na pinupuntahan ni Cla tuwing meron.. Cla, anung event un? Hehehe. Hindi din ako lumalabas pag may mga okasyon tulad ng New Year kaya wala din ako masyado nakikita. Maliban na lang pag sumilip ako sa labas ng bahay namin nun kaso puro usok kaya hindi na lang pala. Kaya ang isa sa mga pinakahuling fireworks event na napuntahan ko ay yung sa Disneyland nung nagpunta kami ni Anna at Ariel sa HK nung December. Kaso naman dahil 8pm ang start niya at 10pm ang ferry ride namin papuntang Macau e naglalakad na kami patalikod sa labas ng Disneyland habang nagsisimula siya. Sayang. Ang ganda pa naman daw ng fireworks display dun. @_@


(See.. Wala pa ung fireworks sa likod namin waaaaa...)

So un. Yan ang mga fireworks events sa buhay ko (at least sa pagkakatanda ko.) Ang pinakahuli pala ay sa SM North hehehe. Kaya Cla, isama mo naman ako pag meron pa nung event na pinupuntahan mo although di ko maalala talaga kung anu un or kung meron pa nun this year. Sa birthday ko magfifireworks tayo hahaha. Kaso ung tipong recorded lang sa cellphone tapos itataas natin ung cellphone sa may night sky at uupo sa labas para kunyari totoong fireworks. Low budget kasi e kaya technology based na muna hahaha.

Sige sige, matutulog na ko at sana sa susunod kong post e english na. Di ata talaga ko pwede magsulat ng tagalog. Masakit ata sa tenga basahin. :P

No comments:

Post a Comment